LIPA CITY, Batangas – Hindi pa mabatid ang kasarian ng isang sunog na bangkay na natagpuan sa madamong bahagi ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:56 ng umaga nitong Biyernes nang matagpuan ni Benje Barandon ang bangkay sa madamong lugar na sakop ng Km. 82, sa Barangay Lodlod.

Sa inisyal na imbestigasyon, posible umanong sinunog sa ibang lugar ang biktima at itinapon sa expressway.

(Lyka Manalo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog