luis-angel copy

KARARATING lang namin ng bahay noong Biyernes ng gabi galing presscon ng Always Be My Maybe movie nina Gerald Anderson at Arci Muñoz nang makatanggap kami ng tawag mula sa aming source.

“Nabasa mo na ba IG (instagram) post ni Angel (Locsin), binanggit niyang ‘ex’ niya si Luis (Manzano), so kinumpirma na niyang hiwalay na talaga sila?” sabi ng aming caller. “Kasi naman hindi pa kaagad sinabing hiwalay na sila, bakit idinenay pa niya kay Boy Abunda na ‘hindi pa.’ Nu’ng time na pumutok na wala na sila, that’s it, ‘yun na ‘yun!”

Habang nagkukuwento sa kabilang linya ang aming source, binuksan namin ang IG ni Angel (@therealangellocsin) na may 1.7M followers at video ni Luis pala ang ipinost niya habang kumakanta ito na binabasa ang lyrics sa celfone at nakaupo sa couch at naputol yata dahil sinabi ng TV host/actor na, “Ha-ha, nabitin.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 

Ang caption ni Angel sa nasabing post, “On the eve of my neck procedure, I saw my ex singing “love yourself” sa myx ig. Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this. #mabuhayangtangasapagibig.”

 

At may nagkomento ng, ‘Un-follow na ni Luis si ‘Gel, don’t worry dito lang kami.’

 

May nagsabi naman na baka na-hack ang IG account ng aktres.

 

Sa pagpapatuloy na kuwento ng aming source, “Andami palang reasons kaya sila naghiwalay, patung-patong na, so hindi na nagkasundo.”

 

Anu-ano ba ang rason, tanong namin.

 

“Recently lang din nakuwento, pinag-awayan nila ng matindi rin ‘yung paglabas-labas ni Angel with some friends na I’m not sure kung kasundo sila o hindi ni Luis. Mahilig pa rin kasing lumabas si Angel kasama ‘yung ibang friends na related din sa showbiz,” sagot sa amin.

 

Napaisip kami dahil ang alam namin ay homebody ang aktres na mas gusto pang magtutulog o titigan ang apat na sulok ng bahay niya kaysa maglalabas.

 

Inusisa tuloy namin ang previous IG posts ni Angel at nakitang nag-out of town pala siya kasama ang kaibigan niyang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at ang asawa nitong si Neri Naig kasama ang iba pang mga kaibigan.

 

Hindi kasama si Luis sa nasabing out of town celebration ni Chito kaya may nagtanong kay Angel na follower niya na si @jasmantilla, ‘why luis is not there with you?”

 

Sa mga post ni Angel ay ang saya-saya niya habang kasama ang mga kaibigan, pati na habang nakasakay sa old style na bisikleta sa paglilibot sa Club Balai Isabel Hotel, Batangas.

 

Limang araw na ang nakalilipas simula nu’ng i-post ni Angel ang mga litrato nila nina Chito at Neri na tinawag niyang ‘Wifey and Batman.’ So, hiwalay na sila ni Luis sa outing na ito, kaya imposibleng isa ito sa dahilan ng hiwalayan nila.

 

Sa pagkakaalam din namin ay matagal nang close friends sina Angel at Chito -- bago pa man niya naging boyfriend si Luis.

 

Pero may iba pang dahilan.

“Hindi pabor si Luis sa binibiling bahay ni Angel somewhere in Taguig (McKinley Hills),” sabi pa ng source. “Kasi ang katwiran ni Luis, para saan pa, eh, may bahay na sila pareho. Di ba may bahay si Angel sa Commonwealth?”

 

May bahay nga si Angel sa isang exclusive subdivision sa Commonwealth at sa katunayan ay nabili pa niya ‘yung katabing lote niya para ipa-extend ang bahay kasama na ang swimming pool.

 

May punto si Luis, para saan ang bahay na gustong bilhin ni Angel sa Taguig? Dahil kapag ikinasal na sila ay sa iisang bahay naman sila titira at sigurado kaming ang aktor ang magpo-provide. Alangan namang sa magkaibang bahay pa sila tumira kung magkatuluyan nga sila.

 

Pero, baka naman investment ‘yun dahil pataas ang value ng real property sa Taguig City.

 

May isa pang ikinuwento ang aming source na hindi na namin puwedeng isulat, pero isa raw ito sa pinakamabigat na dahilan kaya malabo nang magkabalikan pa sina Luis at Angel.

 

Nakakapanghinayang lang dahil marami ang nag-akala na sa simbahan na ang tuloy nina Luis at Angel nang magbalikan sila dahil pareho na silang marrying age, ‘no.

 

Naalala na naman tuloy namin ang kuwento ng taga-ABS-CBN.

“Dumalaw ka kasi sa taping ng PGT (Season 5), makikita mong dedmahan ang dalawa kaya tumatambling ang mga staff.”

 

Paano naman kaya kami dadalaw, eh, out of town na ‘yung tapings na sumunod after ng KIA Theater. Sa Abril na ang live episode ng Pilipinas Got Talent Season 5 sa Resorts World, ang layo ha! (REGGEE BONOAN)