NEW YORK (Reuters) – Tila hindi na magkakaayos ang dating magkaibigang sina Taylor Swift at Kanye West.

“I feel like me and Taylor might still have sex, I made that bitch famous,” ani West, nang ilunsad ang kanyang bagong album na Famous noong Huwebes sa online audience na aabot sa 20 milyon.

Nagsimula ang iringan ng dalawa apat na araw bago ganapin ang Grammy Awards ceremony sa Los Angeles na may pitong nominasyon si Swift at siya ring opening performer. Si West naman ay may apat na nominasyon.

Tinapos nina West, kasal sa reality television star na si Kim Kardashian, at Swift ang kanilang iringan sa VMA show noong Agosto nang ihayag ni Swift ang pagkapanalo ni West bilang lifetime awardee at pinuri ang talent nito. Matapos noon ay pinadalhan ni West si Swift ng isang dosenang rosas na kulay puti at tinawag niya itong BFF o Best Friend Forever.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I did not diss Taylor Swift and I’ve never dissed her,” pahayag ni West sa Twitter. Sinabi niya sa tweet na si Swift ang may ideya sa awitin at inakala nito na ang mga linya ay “was funny and gave her blessings.”

Ngunit pinabulaanan ito ng country-turned-pop star.

“Kanye did not call for approval, but to ask Taylor to release his single Famous on her Twitter account,” nakasaan sa pahayag ng kinatawan ni Swift. “She declined and cautioned him about releasing a song with such a strong misogynistic message. Taylor was never made aware of the actual lyric, ‘I made that bitch famous.’”