Eugene Domingo 2 copy

MAPUPUNO ng kilig at katatawanan ang Valentine’s Day ng bawat Kapuso dahil magsisimula na ang first comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge.

Ang Dear Uge ay hosted ng award-winning comedienne/actress at TV host na si Eugene Domingo. Makakasama niya sa programa bilang sidekick si Divine Grace Aucina.

Sa pilot episode ngayong Linggo, tampok si Tom Rodriguez at Kakai Bautista sa kuwento na pinamagatang “Love at First Sight,” mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ito ay kuwento ni Lolita (Kakai), isang babaeng nagtatrabaho sa massage clinic kasama si Mark (Tom), isang bulag na masahista. May lihim na pagtingin si Lolita kay Mark pero pipigilan niya ang sarili dahil natatakot siya na baka hindi siya magustuhan ni Mark. Lalong nadagdagan ang pag-aalinlangan niya nang malaman niya na gusto uling makakita ng binata.

Abangan kung magkakaroon ng happy ending ang masaya at nakakakilig na istorya nina Mark at Lolita na magtuturo sa mga manonood na hindi lamang pisikal na anyo ang batayan sa pag-ibig.

Humanda nang tumawa, at ma-in love sa mga nakakatawang istorya sa Dear Uge simula ngayong Araw ng mga Puso, 2 PM pagkatapos ng Sunday Pinasaya sa GMA-7.