Ken copy

KAILANGAN na raw ni Ken Chan na magbago ang hairstyle sa Destiny Rose, kaya tinanong ang sumusubaybay ng Afternon Prime ng GMA-7 na kanyang pinagbibidahan kung anong ayos ng buhok ang babagay sa kanya.

Aliw basahin ang fans ni Ken na sumagot sa kanyang tanong at ang isang suggestion ay mag-bangs siya. Meron namang nag-suggest na mas magiging maganda siya at magugustuhan ni Gabriele (Fabio Ide) kung short hair siya.

May naniniwala namang mas magiging maganda ang karakter niyang si Destiny Rose kung maikli at straight ang hair niya at may nag-insist namang para kabog ang dating niya, mag-pony tail siya o kaya’y itaas ang kanyang buhok ala-beauty queen.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sa mga darating na episodes ng transerye, malalaman natin kung aling suggestion ang pinili ni Ken, ng kanyang hair stylist, make-up artist at production staff ng Destiny Rose.

Anyway, malalaman na ni Gabriele na si Destiny Rose at Joey ay iisa at operada siya. Kagagawan ito ni Jasmine (Katrina Halili) na hindi tumigil hanggang hindi nalalaman ang tunay na pagkatao ni Destiny Rose.

Nakakakaba, pero exciting ang mga susunod pang episodes ng Destiny Rose, kaya ‘wag palalampasing subaybayan hanggang sa pagtatapos sa March. (NITZ MIRALLES)