Natagpuang palutang-lutang sa estero ang naaagnas na bangkay ng isang paslit sa Binondo, Manila nitong Martes ng gabi.

Ang biktima ay nakilala sa alyas na “Joshua”, nasa 10 hanggang 12-anyos, nakasuot ng printed na long sleeve at checkered short pants.

Ayon kay SPO2 Richard Escarlan, ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, dakong 6:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Estero de Binondo, tapat ng PLDT Building, sa Binondo, Maynila.

Ayon sa mga barker na sina Rosalina Dimacali, 24, at Christian Guevarra, 17, huli nilang nakitang buhay ang biktima dakong 12:00 ng tanghali noong Pebrero 8, Chinese New Year, sa Plaza Ruiz habang naglalaro kasama ang ilan pang bata.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagulat na lang umano sila nang matagpuan itong patay na.

Wala namang nakitang sugat o pasa sa katawan ng biktima kaya’t pagkalunod ang nakikitang dahilan ng pagkamatay nito.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy kung may naganap na foul play sa insidente.

(Mary Ann Santiago)