Isang 61-anyos na lalaki ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido, sa loob ng kanyang silid sa Quezon City nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Roger Balasa, residente ng Everlasting St., Barangay Holy Spirit, QC.

Lumitaw sa imbestigasyon na habang natutulog ang anak na babae ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, binulabog ito ng isang malakas na putok mula sa ibaba dakong 7:55 ng umaga.

At nang bumaba mula sa ikalawang palapag, laking gulat nito nang makita niya ang kanyang ama na may dugo sa ulo at may hawak na caliber 38 revolver habang nakaupo at wala nang buhay.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Agad na humingi ng tulong ang dalagita sa kanilang kapitbahay na nagdala sa biktima sa General Malvar Hospital upang sumailalim sa operasyon.

Subalit binawian din ng buhay si Lolo Roger dakong 11:02 ng umaga ng araw na iyon, ayon sa pulisya.

Isinuko rin ng nakababatang Balasa ang baril ng kanyang ama na ginamit ng biktima sa suicide.

(Vanne Elaine P. Terrazola)