Mga laro sa Huwebes

(Moro Lorenzo Football Field)

1 n.h. – UST vs AdU (Men)

3 n.h. – NU vs UE (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakahirit ng scoreless draw ang University of the Philippines kontra defending champion Far Eastern University, habang sumandal ang De La Salle sa dalawang krusyal na goal para magapi ang Ateneo, 3-1, sa pagsisimula ng UAAP Season 78 men’s football tournament nitong linggo sa McKinley Hill Stadium sa Taguig City.

Hindi nakaporma ang 3-peat seeking Tamaraws na butasin ang depensa ni Fighting Maroons goalkeeper Ace Villanueva para maipuwersa ang scoreless draw.

“Overall, I’m quite satisfied with the performance,” pahayag ni UP coach Anto Gonzales.

Inihahandog ng Maroons ang kampanya nila ngayong season sa kanilang dating defender na si Rogie Maglinas, namatay noong nakaraang linggo dahil sa rhabdomyosarcoma o “cancer of the skeletal muscles”.

Naghandog ng maikling panalangin ang lahat para sa katiwasayan ni Maglinas na dapat sana’y nagdiwang ng kanyang ika- 20 taong kaarawan noong Sabado.

Sa isa pang laro, binasag ni rookie Jigs Cruz ang 1-1 tie sa ika-89 na minuto bago sinelyuhan ni Gelo Diamante ang panalo para sa Green Archers sa extra period.

Naunang umiskor si Greggy Yang para sa De La Salle sa ika-22 minuto, bago nakatabla ang Blue Eagles matapos ang isang header ni Cristian Castillo mula sa pasa ni Mikko Mabanag sa ika-23 minuto.

Nakumpleto ng De La Salle ang twin kill matapos magwagi ang Lady Archers sa mahigpit na karibal na Ateneo, 4-3.

(Marivic Awitan)