Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

2 n.h. -- Tanduay vs Wangs

4 n.h. -- Caida Tile vs Café France

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Makakabangga ng Café France ang matikas ding Caida Tile sa tampok na laro ngayon sa double-header ng PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakataya ang solong kapit sa liderato sa laro ng Bakers at Tile Masters ganap na 4:00 ng hapon.

Magtutuos naman ang Tanduay at Wang’s Basketball sa unang laro ganap 3:00 ng hapon.

Magkasosyo ang Café France at Caide kasama ang Phoenix Petroleum-FEU, nagwagi laban sa UP-QRS/Jam Liner, 98-84, nitong Martes, sa liderato tangan ang parehong 3-0 karta.

Bagama’t nakalalamang nang bahagya kung karanasan ang pagbabatayan, sinabi ni Bakers coach Egay Macaraya na walang lugar ang papetiks para mapanatili ang walang dungis na karta.

“They are a strong team, and very well coach so we can’t let our guards down,” sambit ni Macaraya, patungkol sa kakayahan ng karibal na sagasaan ang kanilang makakasagupa.

Mauuna rito, magtatangka naman ang Rhum Masters na dugtungan ang naitalang unang panalo matapos ang panimulang dalawang talo sa pakikipagtuos sa Wang’s, na naghahangad namang makabalik sa winning track matapos ang kabiguan sa Caida Tile.

“Hopefully this will serve as jump board for us,” pahayag ni Tanduay coach Lawrence Chongson. (Marivic Awitan)