Ginapi ng San Sebastian College tandem nina Grethcel Soltones at Dangie Encarnacion ang tambalan nina Maria Shola Alavarez at Rosalie Pepito ng Jose Rizal University, 22-18, 22-17, para simulan ang kanilang title-retention bid kahapon sa 91st NCAA women’s beach volleyball tournament sa Boardwalk sa Subic.

Nagwagi rin sa una nilang laban ang Emilio Aguinaldo College pair nina Jaylene May Lumbo at Yvonne Joyce Reyes kontra sa Letran tandem nina Julia Angeles at Jan Juno Leal Carreon, 21-15, 21-13, sa event na magkakatulong na itinataguyod ng The Lighthouse, Bayfront Hotel, Subic Park Hotel, Moonbay Villas, LGR, Mikasa, SBMA at ABS-CBN Sports and Action.

Ginulat naman ng San Beda College nina Nieza at Janice Viray ang beteranang tambalan nina Vhima Condada at Jamela Suyat ng University of Perpetual, 15-21, 29-16, 9-5.

Sa men’s division, nakabawi ang Perpetual Help sa pamamagitan ng magkapatid na Relan at Rey, Jr Taneo ng talunin nila ang San Sebastian tandem nina Christian Calonia at Jahir Ebrahim, 21-14, 21-11.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kinailangan naman ng dagdag na set para sa defending champion St.Benilde na kinatawan nina Racmade Etrona at Isaah O’neal Arda laban sa San Beda pair nina Mark Enciso at Alfie Mascarinas, 13-21, 21-18, 15-9.

Nagwagi rin ang Mapua duo nina Samuel Joseph Almalel at Philip Michael Bagalay kontra kina Bobby Gatdula at Harold Reyes ng Letran. 21-15, 21-14. (Marivic Awitan)