Nokor Launch

SEOUL, South Korea (AP) – Sinuway kahapon ng North Korea ang mga pandaigdigang babala at nagpakawala ng isang long-range rocket na tinawag ng United Nations at ng iba pa na paglilihim sa ipinagbabawal na missile test na maaaring puntiryahin ang Amerika.

Pinakawalan ang rocket mula sa kanlurang baybayin ng North Korea at magkakahiwalay na tinunton ng Amerika, Japan, at South Korea ang direksiyon nito; walang naiulat na pinsala ang debris. Sa isang emergency national security council meeting sa Seoul, tinawag ng pangulo ng bansa na “intolerable provocation” ang insidente.

Sinabi naman ng North Korea na naglagay lang ito ng bagong Earth observation satellite sa kalawakan, ang Kwangmyongsong 4, o Shining Star 4.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na