Ni REGGEE BONOAN

Bea & John LloydKALIWA’T kanan ang nasusulat na magkasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Balesin Island nitong nakaraang linggo, bago nag-weekend.

May nagsabi naman na kaya raw wala si Angelica Panganiban sa finale presscon ng Pangako Sa ‘Yo ay dahil nasa taping ng Banana Sundate, pero may sitsit na pumunta rin daw ng Balesin.

Ano ‘yun, magkakasama sina Lloydie, Angelica at Bea sa Balesin?

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Anyway, tumawag ang aming source na nagkuwentong tinawagan niya ang booking officer na kakilala niya sa Balesin at ang nasa manifesto raw na kasama ni John Lloyd ay ang buong pamilya niya at walang pangalan doon sina Angelica at Bea.

Hirit namin sa source, baka naman hindi ipinalagay ang pangalan ni Bea or ni Angelica.

“Hindi puwedeng hindi kasi kung ano ‘yung nasa manifesto ng private plane na sinakyan nina John Lloyd, ‘yun din ang nasa guest list,” katwiran ng aming kausap.

At dagdag sa amin, “Teka, puwede rin kasing pumunta roon by ferry boat, eh, hindi kaya?”

Susme, parang hindi rin naman siguro papayag sinuman kina Bea at Angelica na halos abutin ng pitong oras ang biyahe (four hours by land at three hours by sea).

Anyway, lalabas din naman ang totoo, di ba, Bossing DMB?

(Mismo! --DMB)