Sinisiyasat ngayon ng Taguig City Police ang pagkakadiskubre nitong Sabado sa tatlong duguan at magkakapatong na bangkay ng hindi pa nakikilalang mga lalaki sa loob ng isang sasakyan na pinaniniwalaang biktima ng salvaging sa lungsod.

8dead copyHinihintay na ngayon ang resulta sa awtopsiya sa mga bangkay.

Inilarawan ng pulisya ang mga biktima na nasa edad 30 hanggang 45, pawang nakasuot ng maong pants, nakatakip ng damit ang mga mukha, at nakagapos ang mga kamay at paa.

Dakong 8:00 ng umaga nang nadiskubre ang magkakapatong na bangkay ng tatlong lalaki na nakabalot sa lona sa loob ng isang puting Mitsubishi L-300 van (AEV-484) na nakaparada sa Purok 6, Barangay Napindan sa lungsod.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Narekober sa loob ng naturang sasakyan ang isang plaka ng sasakyan na WJI-458 na posibleng orihinal na plate number ng naturang van.

Pag-aari ng isang Teresita Don Diego ang nasabing van ngunit napaulat na kinarnap ang sasakyan nitong Pebrero 4 sa Barangay Don Bosco, Parañaque City. - Bella Gamotea