Magkasama na sa loob ng kulungan ang isang ginang at kanyang mister na regular niyang dinadalaw at dinadalhan ng pagkain, matapos siyang maaresto makaraang mahulihan ng shabu, na inilagay niya sa loob ng kanyang panty sa Caloocan City Jail (CCJ), nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay CCJ Warden Supt. Jolly Taguiam, paglabag sa Section 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang kinakaharap ni Rebecca Quilinderino, 39, matapos siyang mahulihan ng dalawang plastic sachet ng shabu na itinago niya sa kanyang panty.

Sinabi ni Taguiam na dakong 2:00 ng hapon nang dumalaw sa CCJ, na nasa Dagat-Dagatan, si Quilinderino upang dalhan ng pagkain ang asawang bilanggo.

Napansin ng mga jail guard ang mistulang pagkabalisa ng ginang, at nang kapkapan siya ng babaeng jail guard ay nakumpiska ang shabu na ibibigay niya sa asawa. (Orly L. Barcala)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget