DANIEL AT KATHRYN

SA thanksgiving presscon ng Pangako Sa ‘Yo, ipinagmalaki nang husto ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo. Grabe na raw ang pinagsamahan nila at proud na proud siya na kasa-kasama niya ni Kath through the years.

“Siyempre, sobrang proud ako kay Kathryn sa lahat ng nararating niya ngayon at kasama niya ako sa lahat ng mga nararating niya ngayon,” sey ng binata ni Karla Estrada.

Marami ang nagdududa na may itinatagong relasyon sina Daniel at Kathryn, pero ayon sa young actor ay tama nang maituring niyang masuwerte siya dahil may Kathryn siya, huh!

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Very happy naman kami sa isa’t isa. Para sa akin, napakabait lang talaga ng Diyos and ngayon wala na akong hinahanap pang iba, wala na akong kailangan pang iba. ‘Pag iniisip ko paggising ko kung may kulang pa ba sa akin, wala na talaga, okey na okey na ako. Ganu’n na ngayon ang pakiramdam ko,” mariing pahayag ni Daniel.

Kaya kahit walang inaaming relasyon, ang impresyon ng entertainment writers ay may namamagitan na sa dalawa ngayon.

Paano mailalarawan ni Daniel ang relasyon nila ni Kathryn?

“Kami naman ni Kathryn para sa akin, eh, bigayan kami. Like sa akin ‘pag nasa set at ‘pag nakikita kong hindi masaya si Kathryn, bad trip na ako nu’n. Mga ganu’n. Pero ‘pag nasa set at nakikita kong okay na siya, eh, kayang-kaya kong mag-taping kahit tuluy-tuloy pa at hanggang kinabukasan pa. Alam n’yo ‘yung feeling na ganu’n, ‘yung tawag do’n, eh, love,” pakilig pang banggit ni DJ.

So, sila na nga ngayon?

“Naku, huwag muna!” pakling sagot ng lead actor ng Pangako Sa ‘Yo.

Sa naturang serye ay muntik-muntikan na silang ikasal bilang sina Yna at Angelo. Ganoon din ba ang dream wedding niya para sa kanilang dalawa ni Kathryn?

“Actually, similar ng ganu’n. Kumbaga, kaunti lang sila, sabi ko, gusto kong wedding mga 30 kaming tao sa isang island ‘tapos sa beach, ‘tapos simple lang ang lahat, naka-casual, basta gusto ko, eh, ‘yung sobrang private talaga,” sagot ng sikat na Kapamilya actor.

Idinagdag ni Daniel na gusto niyang sa loob ng simbahan sila ikasal, habang nasa labas ang lahat ng supporters at fans niya na pagkatapos ng seremonya ay lalabasin nila at kakaway sila sa mga tao. Para na raw niyang naririnig ang umaatikabong sigawan.

Ah, young love… sweet love. (JIMI ESCALA)