Laro Bukas

(McKinley Stadium)

1:30 n.h. -- FEU vs UP (Men)

4 n.h. -- Ateneo vs DLSU (Women)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

6:30 n.g. -- DLSU vs Ateneo (Men)

Sisimulan ng Far Eastern University ang target na three-peat sa pagsagupa sa University of the Philippines sa pagbubukas ng UAAP Season 78 football tournament, bukas sa McKinley Stadium sa Taguig City.

Kahit wala ang injured nilang midfielder na si Arnel Amita, liyamado pa rin ang Tamaraws sa nasabing laban na sisimulan ng 1:30 ng hapon kontra Fighting Maroons na nakaharap nila sa semifinals sa nakalipas na season.

Magtutuos naman ang last year runner-up De La Salle at Ateneo ganap na 6:30 ng gabi kasunod ng nag-iisang laro sa women’s division sa pagitan ng Lady Eagles at Lady Archers dakong 4:00 ng hapon.

Magpapatuloy ang akisyon sa Huwebes na ipapalabas ng live sa Sports+Action Channel 23 sa Moro Lorenzo Football Field sa Ateneo campus ang sagupaan ng University of Santo Tomas at Adamson University ganap na 1:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng National University at ng University of the East ganap na 3:00 ng hapon.

Samantala, tinalo ng Ateneo Blue Eaglets ang La Salle-Zobel, 3-2, sa penalties upang maipuwersa ang one-game juniors finals showdown kontra titleholder FEU-Diliman.

Nakatakdang ganapin ang kampeonato ngayong umaga sa Moro Lorenzo pitch. (MARIVIC AWITAN)