Isang lalaki ang malubhang nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala habang himbing sa pagtulog sa kanyang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Emelcar Pontillus, 31, ng Barangay Potrero, Malabon City.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong 3:00 ng umaga nang magising si Pontillus dahil sa matinding sakit ng ulo.

Nang bumangon sa kama at tingnan ang sarili salamin, laking gulat ng biktima na may tumutulong dugo sa kanyang ulo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isinugod ng kanyang mga kaanak si Pontillus sa Manila Central University Hospital, at doon siya ginamot.

Nabawi ng mga imbestigador ang isang bala ng .9mm pistol sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, nakarinig sila ng isang putok ng baril dakong 11:30 ng gabi nitong Huwebes.

(Jel Santos)