Pebrero 5, 1869 nang madiskubre ng mga Cornish prospector na sina John Deason at Richard Oates ang pinakamalaking gold nugget na tinawag na “Welcome Stranger.” Isa ito sa pinakamalalaking gold nugget na nadiskubre.

Ang ginto, may sukat na 24 by 12 inches at may bigat na 3,123 ounces (71.018 kilo), ay natagpuan sa Moliagul, Victoria sa Australia.

Nang nadiskubre, walang timbangan na aangkop para sa sukat ng gintong iyon, kaya hinati ang “Welcome Stranger” sa tatlong bahagi. Nagtungo sina Deason at Oates sa London Chartered Bank of Australia, at kumita sila ng £9,381.

Tinatayang aabot sa $3,766,950 ang halaga ng nasabing ginto sa kasalukuyang presyuhan.

BALITAnaw

9/11: Ang pinakamadilim na pag-atake sa kasaysayan ng Amerika

Taong 1969 nang maglabas ang Midlands Numismatic Society ng medalya upang gunitain ang ika-100 anibersaryo ng pagkakadiskubre nito.