Patay ang isang 47-anyos na driver matapos siyang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki habang sakay sa isang pampasaherong jeep sa Caloocan City, bago maghatinggabi kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Elvie Villaflor, ng Barangay Tangos, Navotas.

Nagtamo si Villaflor ng dalawang tama ng bala sa ulo na agad niyang ikinamatay.

Sa imbestigasyon nina SPO2 Eduardo Tribbiani at PO3 Noel Bollosa, nag-aabang si Villaflor ng pasahero lulan ng jeep na kanyang minamaneho patungong Monumento dakong 11:00 ng gabi, sa PCP Community Precinct, sa C-4 Road, Dagat-Dagatan, Caloocan, nang sumakay ang dalawang lalaki.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Bumunot umano ng baril ang dalawang lalaki at sabay na pinuntirya ang ulo ng biktima, bago nagsitakas.

Ayon sa mga saksi, posibleng nakaidlip si Villaflor kaya hindi niya napansin ang dalawang suspek.

Hinihinala naman ng pulisyang may kinalaman sa droga ang pagpatay. (Ed Mahilum)