Pinondohan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang nationwide cloudseeding operations sa takot na maapektuhan ang supply ng asukal dahil sa banta ng El Niño phenomenon.

Sa report, aabot sa P25.9 milyon ang inihanda ng SRA sa ilalim ng Climate Change Project.

Tututukan ng cloudseeding ang Batangas, Camarines Sur, Tarlac, Pampanga, at Cagayan Valley sa Luzon, samantalang may nakalaan ding pondo sa Davao del Sur at Cotabato sa Mindanao.

Matatandaang noong isang taon, umabot sa P167 milyon ang halaga ng nawasak na pananim sa isla ng Negros dahil sa pananalasa ng El Niño o tagtuyot.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Dahil dito, agad iniutos na paghandaan ang nasabing operasyon upang hindi na maulit ang nangyari.

Patuloy ang koordinasyon ng SRA sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM) at Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Negros Occidental upang agad maayos ang mga dokumento at logistics ng cloud seeding.

Kamakailan, nagpasa ang Negros Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng isang resolusyong nag-eendorso sa isang multi-government agency project proposal sa cloudseeding operations.