Mas matinding aksiyon ang magaganap sa World Slasher Cup-1 8-Cock Invitational Derby sa pagbubukas ng ikatlong semifinal round ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Hindi bababa sa 120 sultada ang magtutunggali upang umabante sa grand finals na nakatakda sa Pebrero 7.

Umiskor ng tatlo pang panalo si Thunderbird Power Feeds corporate endorser Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Gamefarm) sa pamamagitan ng Blue Blade Farm AA entry (4 na puntos) at Blue Blade Farm-1 (3 puntos) upang maitala ang “7-win-1-loss” na karta.

Nanatili naman matatag ang kampanya ni Gov. Eddiebong Plaza sa pamamagitan ng EP RJM AA Roosterville-II na may 4 na puntos at tatlo pa niyang entries na may tig-tatatlong panalo at isang talo.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Natiyak naman ni Charlie “Atong” Ang ang kanyang pag-abante sa grand finals na may matikas na panalo sa AA Cobra-3 (4 puntos). May kaparehong marka sina Rep. Khulit Alcala (Kresha Chanise), Engr. Remy Medrano (Karamba), at Robert Balajadra (RB Guam JM).

Nagbabanta ring maiuwi ang kopa nina Atty. Amante Capuchino (Deong-1), Mayor Jesry Palmares/Charlie Chan/Moises Villanueva (Archangel Fiscalizer), Lito Orillaza/Shio (Partner’s-I) at Willard Ty/Ricky Magtuto (JVS Camsur Ahluck-1).

Sa ika-5 at 6 ng Pebrero, ang mga entry na may iskor na 2, 2.5 at 3 puntos ay lalahok sa 4-cock pre-finals. Alinman sa mga 3-pointers na maipapanalo ang lahat ng labang itinakda para sa kanila ay maaaring tanghaling kampeon kung walang makakaiskor ng perpektong puntos sa panahon ng grand finals ng torneo na itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP, Thunderbird Platinum, BMeg at Petron.

Sa paanyaya ng Pintakasi of Champions, ang 2016 World Slasher Cup-1 ay ginaganap sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum at Petron. Binubuo ang media partners ng Gamefowl Magazine, SuperSabong, Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo, SabongTV, Cockfights Magazine, Sabong Star at Fightingcock Magazine.

Ang 4-cock finals ay nakatakda sa ika-7 ng Pebrero, kung kailan lahat ng walang talong entry na may iskor na 3.5 o 4 na puntos ay magtutunggali sa huli at mas mahigpit na yugto ng kanilang kampanya.