SA ikalawang bahagi ng “Bise Serye” ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes (Pebrero 4), tampok ang panayam ni Malou Mangahas sa vice presidential candidate na si Sen. Antonio Trillanes.

Ipapaliwanag ni Sen. Trillanes kung bakit kulelat siya sa Senado kung yaman ang usapan. Sa statement of assets and liabilities (SALN) ni Trillanes noong 2014 ay may net worth siya na mahigit P5 million, kaya lumalabas na siya ang pinakamahirap na senador. Sa mga kumakandidatong bise presidente ay siya rin ang pinakapobre.

Lilinawin din ni Trillanes kung bakit umabot sa milyon ang inilaan niyang pondo para sa mga consultant. Bukod pa sa mga consultant, pinasasahod daw niya ang kanyang kasambahay at driver mula sa pondo ng Senado.

Tutok na sa espesyal na pagtatanghal ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, 8 PM, sa GMA News TV. 
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter