Isa sa mga huling post ni Kris sa social media copy

KALIWA’T kanan ang natatanggap naming mensahe mula sa non-showbiz friends naming avid viewer ng KrisTV at maging si Katotong Sunshine “Chan-chan” Dacudao o Chanak na kasalukuyang nasa Bacolod ay nag-private message sa amin kahapon para magtanong kung bakit ilang araw nag-replay ang morning show ni Kris Aquino.

“Fudrakels (tawag sa amin), tanong ng bayan dito, bakit waley ang lola Kris mo? Bakit wala raw KrisTV ngayon?

‘Sensya na kase mga kapatid ni Madir fanchita ni Kristeta,” tanong ng katoto namin.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Nagulat na balik-tanong tuloy namin, ‘Wala ang programang KrisTV?’

“Puro replay ang episodes. Sabi ko baka nag-iimbak ng mga bagong episodes ang lola mo o di kaya baka nagkasakit,” mensahe pa ni Chanak.

Oo nga, nami-miss na si Kris ng supporters niya at maging ang mga basher niya ay inaabangan ang bawat post niya.

Sa pagtatanung-tanong, nalaman namin sa aming source sa production na may flu si Kris kaya hindi nakakapag-taping.

Katunayan, humingi siya ng dispensa dahil hindi siya nakasipot sa launching ng Ariel Powder Gel noong Biyernes, Enero 29 sa Century Mall events place.

To the rescue kaagad ang close friends ng Queen of All Media na sina Liz Uy at Bianca Gonzalez-Intal na siyang nag-host ng event.

Base sa sulat ni Kris na binasa ni Bianca para sa mga dumalong taga-media, “Sorry, I missed the Ariel event and seeing you all. I had a flu upon returning from Bangkok and I’m still not ok.”

Nag-check din kami sa lahat ng social media accounts ni Kris pero wala siyang latest post at ang huli niya ay noong nasa Bangkok pa sila nina Josh, Bimby.

Sana bago dumating ang kaarawan ni Kris sa Pebrero 14 ay magaling na siya dahil nami-miss na siya nang husto ng followers niya sa social media at nagtatanungan na rin ang avid viewers ng KrisTV dahil nami-miss na ang tinig niya, at higit sa lahat worried na ang mga taong nagmamahal sa kanya. (REGGEE BONOAN)