Muling kinilala ang Pilipinas sa tuluy-tuloy na paglago sa kakayahan ng mga mamamayan at mamumuhunan na magmay-ari ng propyedad, kumita, komonsumo ng mga kalakal at serbisyo at magnegosyo, ng isang US-based think tank.

Sa 2016 Index of Economic Freedom, umakyat ang ranggo ng Pilipinas ng anim na puwesto sa ika-70 sa 178 bansa mula sa ika-76 noong nakaraang taon sa huling annual global survey ng Heritage Foundation.

Ang Pilipinas ay isa sa most improved countries sa nakalipas na anim na taon, sa kanyang global ranking na tumalon ng kabuuang 45 notches simula noong 2010.

Naging posible ang huling global ranking ng Pilipinas sa pamamagitan ng huling score nito na 63.1 points mula sa 100 points, mas maganda kaysa 62.2 points na naitala nitong nakaraang taon.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Dahil sa huling score, inilarawan ng Heritage Foundation ang economic freedom sa Pilipins na “moderately free.”

“The Philippine economy has been growing steadily at an average annual rate above 6 percent the past five years. The government has pursued legislative reforms to enhance the entrepreneurial environment and develop a more vibrant private sector to generate broader based job growth,” saad sa ulat ng Heritage Foundation. (CHINO LEYCO)