SINGAPORE — Kinumpleto ni Miguel Tabuena ang impresibong kampanya sa naiskor na 68 para sa kabuuang nine-under 275 para mangunang Pinoy na may pinakamataas na tinapos sa Singapore Open na pinagwagihan ni Song Young-han ng South Korea, kahapon sa Sentosa Golf Club dito.

Sumosyo ang 23-anyos na si Tabuena kay Shintaro Kbayahi ng Japan, umiskor ng final round 71, sa ika-apat na puwesto.

Kumolekta ang No.1 sa Philippine Golf Tour ng apat na birdies laban sa isang bogey para tumapos sa likuran ni Song na may tatlong stroke ang layo.

Umusad naman sa ika-21 puwesto mula sa ika-44 si Juvic Pagunsan, dating Asian Tour No. 1, matapos pumalo ng 67 para sa kabuuang three-under 281.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Ang iba pang Pinoy na sina Tony Lascuna, umiskor ng 71-283, ay nasa ika-29 puwesto, habang ang three-time Asian Tour winner na si Angelo Que, kumana ng 74-285, ay nasa ika-38 puwesto.

Tumapos sa ikalawang puwesto si PGA major champion Jordan Spieth na may five-under 66 para sa kabuuang 11-under 273, isang stoke ang layo sa kampeon, sa torneo na itinataguyod ng Asian at Japan Tour.

“I had my first perfect round today,” pahayag ni Spieth. “Everything was absolutely perfect. I didn’t miss one shot and I made everything I looked at. It was tough to sleep on that putt. Even though it wasn’t the most challenging putt, it was still a very nerve wracking one to hit knowing that you have to make it for what you think will be a playoff.”

Si Song ay 204th sa world ranking.