Iniutos ng Korte Suprema ang pagpapatalsik kay Congressman Philip Pichay bilang kinatawan ng First Legislative District ng Surigao del Sur.

Sa botong 11-0, nagpasya ang mga mahistrado ng Korte Suprema na ang nanalong kandidato sa posisyon noong May 2013 Elections ay ang petitioner na si Mary Elizabeth Ty-Delgado.

Kasabay nito, nilinaw din ng Kataas-taasang Hukuman na immediately executor ang nasabing desisyon.

Nauna nang hiniling ng petitioner na mapatawan ng disqualification si Pichay sa ilalim ng Section 12 ng Omnibus Election Code makaraan itong mahatulan sa kasong libelo, isang krimen na maituturing na moral turpitude.

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas

Ayon kay Delgado, nang magbayad si Pichay ng multa noong Pebrero 17, 2011, ay hindi pa paso ang limang taong pagbabawal para siya ay kumandidatong muli.

Hindi sinang-ayunan ng Korte Suprema ang pasya ng House of Representative Electoral Tribunal (HRET) dahil wala namang kontrol si Pichay sa lumabas na libelous publication, ang hatol sa kanya sa kaso ay hindi maituturing na moral turpitude.

Binigyang-diin ng korte na ang moral turpitude ay alinmang mga hakbang na taliwas sa diwa ng katarungan at magandang asal. (Beth Camia)