Tinanggihan ng Malacañang ang hamong debate ni Senator Juan Pone Enrile kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa palpak na operasyon sa Mamasapano, sinabing ang lahat ng mga katanungan ng senador ay sinagot na sa mga nakaraang pagdinig.

Sa halip, nais ng Palasyo na mag-move on na ang publiko at pagtuunan ang mga pagsisikap na maipagpatuloy ang pag-unlad ng bansa.

“All that were needed to be asked by the senators have been asked. All that were needed to be answered by the resource persons have been responded to,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!

“Perhaps, the results of the Senate reopening of the Mamasapano should speak for itself,” dagdag niya.

Naniniwala rin si Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na hindi na kailangan ang public debate sa pagitan nina Aquino at Enrile kaugnay sa Mamasapano incident, iginiit na nagkaroon na ng pagkakataon ang senador na ipresinta ang kanyang mga argumento sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senado noong nakaraang linggo.

“Senator Enrile has had the opportunity to present his case,” pahayag ni Coloma.

“It is best that our people focus their energies instead on how to sustain the momentum of our reform and transformation efforts that have gained the respect and admiration of the global community,” dagdag niya.

(GENALYN KABILING)