Ni ADOR SALUTA

SULIT ang pagod at paghihirap sa halos isang buwang ngaragang shooting ng Everything About Her ng Star Cinema Prods starring Batangas Gov. Vilma Santos, Angel Locsin at Xian Lim directed by Bb. Joyce Bernal.

Simula sa premiere night sa SM Megamall last Tuesday hanggang sa regular run sa mga sinehan, umaapaw ang mga manonood at umaapaw din sa saya ang puso ng Star for All Seasons sa ipinakitang suporta ng Vilmanians at libu-libong nanonood ng movie. 

Sumuporta din sa premiere night ang kilalang stars like Vice Ganda, Dingdong Dantes, Kim Chiu, ating Sen. Ralph Recto with son Ryan Christian, Luis Manzano, Khalil Ramos, Tirso Cruz lll, ang comebacking na si Cholo Barretto, Alexa Ilacad, Gimme 5 at iba pang Kapamilya stars.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nasa audience din ang ABS-CBN head na si Mr. Gabby Lopez, at ang bagong ABS-CBN President Carlo Katigbak. Ms. Malou Santos, head ng Star Cinema/Star Records na si Roxy Liquigan, at Kapamilya directors na kinabibilangan nina Wenn Deramas at Olive Lamasan.

Bukod kina Ate Vi at Angel, pinalakpakan din ang akting ni Xian Lim na isang revelation that night lalo na sa isang eksena with Ate Vi. Pinaluha ni Xian ang mga audience habang inisa-isa niya ang mga sama ng loob sa ina nang iwanan siya nito at ipagpalit sa career.

Sa dayalog ng dalawa, unang nagsalita si Ate Vi (as Vivian), “Anak, sabihin mo nang lahat ang sama ng loob mo sa akin, sa dami ng painkillers sa katawan ko, hindi ko mararamdaman ang sakit.”

Buwelta ni Xian (as  Vivina’s son), “Yes. I hated you since i was a child...” at saka inisa-isa nga ang pagkukulang ng ina in his growing up days, wala sa graduation, wala sa school para um-attend ng meeting at iba pa.

Sa after premiere party ng Everything About Her, nagbunyi ang casts at production dahil sa napakagandang obra. 

Overwhelmed si Xian sa rami ng pagbati at good words na sinasabi sa kanya sa performance niya sa movie.

“Ito pong moment na ‘to is very priceless kasi ngayon ninanamnam ko ang bawat apak ko papunta dito (sa cast party) sobrang saya ko lang talaga,” sabi ni Xian nang makapanayam namin.

Tumatak ang “hugot lines” ni Xian kay Ate Vi na” I hated you for being like this... for not being good mom to me...” 

Saan siya humugot ng emosyon?

“Kapit lang ako sa aming direktor kasi sobrang tiwala ‘yung ibinibigay niya, siyempre kay Tita Vilma na sobrang nanay talaga siya, kumbaga everytime na magkaeksena kami, mahal na mahal ko talaga siya, eh.”

Aktor na ngang maituturing si Xian sa Everything About Her.

“Marami pa pong bigas na kakainin, Marami pa pong challenges, marami pa pong dapat pag-aralan at sa experiences ko,” pa-humble niyang sabi.

Nakatulong din ba ang pamba-bash sa kanyang akting kaya’t itinodo na niya ang makakaya niya sa movie?

“Siguro po , kailangang  may nangyayaring ganu’n,” nakangiting sagot ng aktor.