Muling magsasagawa ng protest caravan ang iba’t ibang jeepney organization na kasapi ng No To Jeepney Phase-Out Coalition, sa Mendiola ngayong Lunes.

Unang magtitipon ang mga kasaping driver at operator sa Quezon City Elliptical Circle, sa tapat ng National Housing Authority (NHA) head office, sa ganap na 6:00 ng umaga bago tutulak ang mga ito patungong Mendiola.

Ang protesta ng grupo ay bunsod umano ng kawalang aksiyon ni Pangulong Aquino sa apelang ibasura ang jeepney phase-out program, na kilala rin bilang PUJ Modernization, ng Department of Transportation and Communications (DoTC).

Ayon kay George San Mateo, pangulo ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at coalition convenor, Disyembre 14, 2015 nagsumite ang alyansa ng pormal na apela kay Pangulong Aquino subalit hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na kasagutan.

National

Shear line, easterlies patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH

Samantala, asahan na ng publiko, partikular ng mga motorist, ang mas matinding traffic sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila lalo na sa mga lugar na pagdarausan ng protesta. - Bella Gamotea