Ni NORA CALDERON

FIRST time ni Nora Aunor na sumali ng regional shows, kaya na-excite siya nang tanungin ng GMA Regional TV kung puwede siyang mag-join sa Dinagyang Festival sa Iloilo City last Sunday, para magpasalamat sa kanilang mga tagasubaybay kasama ang cast ng Little Nanay na napapanood gabi-gabi sa GMA 7, pagkatapos ng 24 Oras.

Kuwento ng mga kasama niya sa show na sina Kris Bernal, Hiro Peralta, Juancho Trivino at Direk Ricky Davao, bukod sa nag-perform si Lolay Annie, nagpa-games pa siya sa katuwaan ng fans na ang iba ay Noranians na dumayo pa mula sa malalayong lugar para lamang manood ng show. 

Hindi binigo ni Ate Guy ang isang fan niya na nag-request kung puwede siyang mayakap at magpa-picture na magkasama.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon daw kay Ate Guy, ganoon pala ang regional show, masaya at para siyang nagbalik sa pagkabata habang nanonood ng games na sinalihan ng mga batang fans dahil nga tungkol kay Tinay (Kris Bernal) na isip-bata at sa anak nitong si Chie Chie (Chlaue Malayo).

Matapos magpasalamat si Ate Guy sa mga pumunta sa show at nanonood gabi-gabi ng Little Nanay, mauulit pa raw siyang sumama sa regional show. Balitang extended ang family drama series nila na gabi-gabi ay iniiyakan ng mga manonood ang mga eksena nina Tinay at Chie Chie.