ACAPULCO, Mexico (AFP) — Naging massacre scene ang birthday party ng isang teenager sa Mexico matapos 11 katao ang binaril at napatay sa okasyon, sinabi ng mga opisyal.

Nangyari ang pamamaril nitong Biyernes sa isang “quinceanera” o coming-of-age celebration sa estado ng Guerrero, hindi kalayuan sa hangganan ng Michoacan, na talamak ang mga krimen kaugnay sa droga.

“There was a problem at a 15th birthday party, and according to the information we have, 11 people were killed,” sabi ni Guerrero governor Hector Astudillo, sa mga mamamahayag sa isang news conference.

Sa Southern Guerrero rin nawala ang 43 estudyante noong Setyembre 2014, matapos ang pag-atake ng mga pulis at dinala sila sa isang drug cartel, na diumano’y pumaslang sa kanila.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo