James at Nadine copy

MARAMI ang nag-react na OTWOListas sa trailer ng On The Wings of Love na mapapanood simula ngayong gabi na nagkasalubong sina James Reid at Nadine Lustre sa lugar ng una nilang pagkikita sa San Francisco, USA.

Sa trailer, kasama ni Leah (Nadine) si Simon (Paulo Avelino) na hinila ang kamay ng aktres papalayo kay Clark.

Nagkagulo sa social media ang mga sumusubaybay sa kuwento nina Clark at Leah, ano raw ba ang ibig sabihin nu’n at bakit kasama si Simon sa Sanfo scene?

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Well, alam naman ng lahat na happy ending ito ayon na rin sa sinabi ng direktor nilang si Antoinette Jadaone, siyempre may konting twist lang. Sabi nga sa kanta ni Taylor Dane, Love Will Lead You Back na siya ring soundtrack ng On The Wings of Love kaya magkakatuluyan talaga sina Clark at Leah.

Samantala, kahit itinanggi ni Nadine na wala silang relasyon ni James ay marami ang hindi naniniwala dahil maraming silang unguarded moments na nakukunang sweet na sweet sila. Kasi kapag maraming tao, kunwari ay dedma lang sila sa isa’t isa.

E, action speaks louder than words lalo na’t kumalat sa social media ang kuhang magkatabi sila sa eroplano na parehong tulog pero magka-holding hands. O, ha? 

Paano mo itatago ang eksenang ito na off-camera? Ano ‘yun, wala silang malay na magkahawak-kamay pala sila?

Kaya iisa ang tanong ng lahat, bakit kailangang itago o ayaw aminin ng JaDine ang tunay nilang relasyon? Sino ang nagbabawal at bakit kailangang ipagbawal gayong pareho naman silang single? (REGGEE BONOAN)