MONCADA, Tarlac - Marahas at malupit na kamatayan ang sinapit ng isang magsasaka makaraan siyang tadtarin ng saksak ng hindi nakilalang suspek sa Moncada-Camiling Road sa Barangay Camangaan West, Moncada, Tarlac.

Sinabi ni PO2 Rogelio Palad, Jr. na halos maligo sa sariling dugo si Gracious Macatiag, 38, binata, ng Sitio Mabolo, Barangay Banaoang East, Moncada.

Ayon kay Randy Santiago, magsasaka, nasa hustong gulang, abala siya sa kanyang bukid nang napansin niya ang bangkay ng biktima.

Naniniwala ang pulisya na maaaring may nakaalitan ang biktima tungkol sa lupa. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog