ELLEN, ARCI AT COLEEN copy

NAGPALIWANAG si Coleen Garcia, nang humarap sa finale presscon ng Pasion de Amor na isinabay sa kanilang thanksgiving party, kung bakit siya nawala sa It’s Showtime at sa iba pang isyung nasulat tungkol sa kanya.

Sabi ni Coleen, management decision daw ang pagkawala niya sa noontime show ng ABS-CBN bukod sa nahihirapan siyang mag-report araw-araw.

Pag-amin ng dalaga, nangarag siya dahil nagkakasabay ang taping ng Pasion de Amor at ang It’s Showtime bukod pa sa ginawa niyang pelikula, ang Ex With Benefits.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“It’s the management’s decision talaga. Kasi ako, even at my most tired days, even in the most exhausting days, pinipilit ko pa ring pumunta sa Showtime, kasi you know, ’yung utang na loob ko rin sa show. I would never leave the show on my own terms kasi siyempre, mahal ko ’yung show, mahal ko ’yung lahat ng tao ro’n. Ang laki ng utang na loob ko sa kanila.”

Alam daw ng boyfriend niyang si Billy Crawford ang tungkol dito at pinag-usapan nilang aalis na siya na ikinalungkot ng TV host/actor.

“At first, sad siya kasi hindi na kami magkikita sa work araw-araw, pero after na nag-usap kami, alam din niya, he knows what’s in my heart and nakikita niya ako halos araw-araw, nakikita niya rin naman ’yung pagod ko, at ’yung hirap na dinaanan ko dati na hindi na talaga ako natutulog kasi kailangan ko pa ring mag-report sa Showtime on days na wala akong taping noon. Nahirapan din ako during that time last year.

“So, in a way, he’s a bit relieved also for me kasi I can actually focus on, you know, this job that I really love already.”

Masaya si Coleen sa pagbawi ng ratings ng It’s Showtime na ngayon ay panalo na uli laban sa katapat nitong programa kahit wala na siya sa programa.

“I’m so happy for the show, I’m still a part of mga group chat nila, so, nakikita ko rin ’yung mga update nila sa show, I’m really happy for them. Saksi ako kung gaano nila pinaghirapan para mapaganda ulit ’yung show,” nakangiting sabi ng aktres.

As expected, itinanggi ni Coleen na pasaway siya sa programa na naging isa sa mga dahilan kung bakit siya inalis.

“Ay, hindi. Alam mo sa Showtime, sa sobrang tagal na naming magkakasama, we’ve had falling outs with pretty much everyone. May mga hosts na nagkakatampuhan sa isa’t isa, may mga iba na nagkakatampuhan sa mga boss. Pero it has never been a reason to take anybody out of the show, so, hindi, hindi talaga ‘yun.

“At saka ‘yung naririnig ko nga na may attitude problem, wala naman silang masabi na specific na ginawa ko, so… di ba? And at the same time, it really doesn’t bother me,” diin ng dalaga.

Maging ang isyung hindi sila okay ni Anne Curtis ay itinanggi niya.

“Anne was actually one of the first few people who texted me nu’ng nalaman niya. Kasi, siyempre, hindi na ako bumalik sa work, eh. Even before the holidays, hindi na ako pumapasok. She was one of the first to ask me kung totoo, and everything.

“So, nakakausap ko naman siya and there’s really nothing going on between me and any of the hosts na away or falling out or tampuhan,” paliwanag ni Coleen.

Samantala, aminado si Coleen na nalulungkot na sila sa nalalapit na pagtatapos ng Pasion de Amor sa Pebrero 26 dahil naging pamilya na raw silang lahat kasama sina Jake Cuneca, Joseph Marco, Ejay Falcon, Ellen Adarna at Arci Muñoz mula sa direksiyon nina Eric Quizon, Carlo Artillaga at Don Cuaresma mula sa RSB Unit. (REGGEE BONOAN)