ARJO AT COCO copy

TAWA kami nang tawa sa reaksiyon ni Arjo Atayde sa picture na yakap-yakap siya ni Coco Martin bilang si Paloma Picache na naka-post sa social media na nag-trending, as in.

Lalong nakakatawa ang caption ng litrato nina Joaquin at Paloma na, “Lumayo ka PALOMA!!! Mahirap na ma-in love. Di ako prepared!!!”

Ilang minuto simula nang mai-post, umabot agad sa mahigit 300 likes ang nasabing litrato na inuulan hanggang ngayon ng iba’t ibang reaksiyon katulad ng, ‘Arjo, dapat sabihin mo, hindi ako preferred’ at andaming nagsasabi ng, ‘May bago nang love team sa Ang Probinsyano!” ‘Kaloka, ha-ha-ha!

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Actually, Bossing DMB, patok na patok talaga si Coco bilang si Paloma kaya mukhang mahihirapan ang actor na iwanan ang karakter niyang ito dahil lahat ng tanungin namin ay gustung-gusto siya.

Maging ang mga sikat at magagandang aktres ng ABS-CBN ay insecure na kay Paloma tulad nina Angel Locsin na nagsabing, ‘Mas maganda pa siya sa akin.’

Maging ang rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes ay nakapagsabi na rin ng, “Ang ganda mo, Paloma.’

Kaya ang tanong, ano pa kaya ang karakter na puwedeng gampanan ni Coco na makatatalo kay Paloma?

Bilang patunay na super-click si Paloma Picache sa Ang Probinsyano, as in hindi siya nagpatinag kay 2015 Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach, nakamit nito ang pinakamataas na ratings noong Huwebes na 43.7%. Talagang hinambalos nito ang katapat na programa sa GMA-7 na nakakuha naman ng 16.7%. (Reggee Bonoan)