PATULOY ang partnership ng Calvin Klein at ng Sorry singer na si Justin Bieber sa pagbabahagi niya ng kanyang larawan na nakasuot ng boxer briefs.

“I flaunt in #mycalvins,” caption ni Justin sa larawan niya katabi ang isang naked statue.

Samantala, nagbahagi rin ang Calvin Klein ng inaantok na larawan ng pop star (na nakahawak ang mga kamay sa pribadong bahagi ng kanyang katawan), at sinabing, “Back in bed with @justinbieber. Introducing the Spring 2016 Calvin Klein global advertising campaign.” Nagsimulang maging endorser si Bieber ng nasabing brand noong Enero ng nakaraang taon, na nakahubad-baro siya at ipinakilala bilang “the new face of Calvin Klein.”

Naging usap-usapan na sa Internet ang mga larawan ni Bieber, at napag-usapan din sa Saturday Night Live.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Sa kabila ng mga komento at papuri, nanatiling matapat si Justin sa Calvin Klein company, sa pagbabahagi ng kanyang mga larawan na suot niya ang nasabing brand habang nagbabakasyon sa Iceland. (ET Online)