Sa buong mundo, umaabot sa 7.7 milyon ang mga paslit at kabataang namatay noong 2013, ayon sa isang ulat. Karamihan sa namatay, nasa 6.3 milyon, ay mga batang nasa edad 5 taon, nasa 480,000 ang namatay sa edad 6 hanggang 9, at 970,000 naman ang namatay sa edad 10 hanggang 19.

Noong 2013, ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga bata na nasa edad 5 pababa ay ang lower respiratory infections (tulad ng pneumonia at bronchitis), na umabot sa 900,000 ang namatay, ayon sa ulat na nailathala noong Enero 25 sa journal na JAMA.

Ang mga sumunod na dahilan ng pagkamatay ng mga bata ay ang preterm birth complications, neonatal encephalopathy kasunod ng trauma sa pagkakapanganak at asphyxia, malaria at diarrheal disease, ayon sa ulat.

Sa mga mas nakatatanda ng kaunti sa kanila, ang pangunahing dahilan ng pagkamatay noong 2013 ay ang diarrheal disease, at sa mga adolescent, ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ay ang road injuries, ayon sa ulat.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Nagpaalala ang mga may-akda ng nasabing ulat na “half of the world’s diarrheal deaths among children and adolescents occurred in just five countries: India, Democratic Republic of the Congo, Pakistan, Nigeria and Ethiopia.”

Sa U.S., ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga batang nasa edad 1 ay ang hindi sinasadyang pagkakasugat, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention. Ang ilan sa mga ito ay sanhi ng car accidents, pagkakalunod, at pagkakabaril.

Ayon sa mga may-akda ng nasabing ulat, ang karaniwang dahilan ng pagkamatay ng mga bata sa buong mundo, kabilang na ang lower respiratory infections at diarrheal diseases, ay “largely avoidable” sa pamamagitan ng malinis na hangin at kalidad ng tubig. (LiveScience.coms)