Matapos malasap ang kanyang unang kabiguan sa gitna ng ring ay nahaharap naman ang mixed martial arts fighter na si Ronda Rousey sa isang kontrobersiya matapos nasiyang akusahan ng pang-aagaw ng asawa ng maybahay ng kasintahan niyang si Travis Browne sa social media.

Si Browne na dati ring MMA fighter ay isang UFC heavyweight na may ring record na 18-3-1 (panalo-talo-tabla).

Huli itong lumaban noong Enero 17 kontra kay Matt Mitrione na nagresulta sa pinakamatinding eye injury na nangyari sa UFC.

Matagal na umanong nagkikita at may relasyon sina Browne at Rousey.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Huling nakita si Browne ay noong katabi niya ang ina ni Rousey sa nakaraang laban ng huli kay Holly Holm.

Sinasabi namang teknikal na magkahiwalay si Browne at ang asawa nito na si fitness model Jenna Renee Webb.

Kasalukuyan pa lamang inaayos ang kanilang diborsiyo na si Webb din ang nagsampa makaraang akusahan si Browne ng physical abuse.

Ito rin ang dahilan kaya sinuspinde si Browne ng pamunuan ng UFC noong Oktubre ng nakaraang taon habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Mariin namang itinanggi ni Browne ang nasabing akusasyon ni Webb. “Have I ever gotten physical towards her? No, absolutely not. Like I said, there’s circumstances surrounding all this. That’s up to her and her family to deal with.”

Samantala, ginamit naman ni Webb ang Instagram upang akusahan si Rousey ng pang-aagaw sa kanyang asawa matapos makita ang isang larawan na may suot na singsing ang MMA fighter na hinihinala niyang engagement ring ng dalawa.

(ANGIE OREDO)