TARLAC CITY — Patay ang driver ng isang Yamaha motorcycle na bumangga sa isang Toyota Hilux pick-up sa highway ng Barangay San Nicolas, Tarlac City.

Kinilala ang napatay na si Glenn Gania, 23, may-asawa, driver ng motorsiklo na may plate number YX- 6811, ng Bgy. Banaba, San Jose, Tarlac.

Ang nakabanggang pick–up ay may control number 380 at hindi pa nakikilala ang driver nito na tumakas matapos ang aksidente.

Patungo sa hilaga ang motorsiklo nang mapagawi sa lane ng kasalubong na pick-up at bumangga. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito