Balik sa puwesto ang na-disqualify na gobernador ng Antique na si Exequiel Javier.

Naglabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) na nagbabalewala sa disqualification ng Commission on Elections (Comelec) laban kay Javier, sa botong 11-0.

Bagamat apat na buwan na lamang bago mag-eleksiyon, ikinagalak na rin ni Javier ang desisyon ng SC na makabalik siya sa puwesto.

Handa naman ang nakaupong si Gov. Rhodora Cadiao na bumaba sa puwesto para kay Javier at muling maging bise gobernador nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Na-disqualify si Javier nang suspendihin nito ang alkalde ng Valderrama, Antique na si Mayor Mary Joyce Roquero, na nagsampa ng kasong disqualification laban sa kanya. (Beth Camia)