MATITIGIL na siguro ang malisyosong usap-usapan tungkol sa boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff at kapatid ng una na si Jasmine Curtis-Smith dahil lang sa ipinost ni Jasmine na Snapchat nila ni Erwan.

Nilagyan ng malisya ng mga nakita sa picture nila dahil kakaiba raw ang closeness at sweetness nila.

Nilagyan din ng malisya na shirtless si Erwan, nakayakap sa likod ni Jasmine, at nakadikit ang lips sa pisngi ng dalaga. Kung anu-anong interpretasyon sa posisyon ng dalawa ang naisip ng mga nakakita sa photo nila na kuha sa nakaraang birthday ni Erwan.

Hindi naisip ng mga malisyoso na kaya shirtless si Erwan dahil nang kunan ay maaaring katatapos lang nitong ihulog sa swimming pool ng mga kaibigan na bisita rin sa party nito.

Pelikula

BALITAnaw: Mga pelikulang Pilipinong tumalakay sa panahon ng 'Martial Law'

Kung anu-anong offending remarks ang ibinato kina Erwan at Jasmine at tinawag na “flirt,” “ahas, “mang-aagaw” at iba pang negative adjectives ang itinawag kay Jasmine na tumahimik lang.

Finally, nagsalita na si Anne via Twitter, at sana nga ay matapos na ang isyung hindi maganda para sa kanilang tatlo.

Heto ang pahayag ni Anne:

“Hey all, this is getting out of hand. It was all an inside joke between my boyfriend, my sister, myself and everyone at the party. My private account was wrongly screencapped and this is becoming ridiculous. We took down posts because so many people reacted maliciously and we didn’t want all of this to happen. Case in point. Nothing happened, we are all fine. I’m lucky that Erwan treats Jasmine like his own sister. He has known her since she was 13. So please, STOP. It deeply saddens me that such viciousness is being thrown at the people I love. DON’T perverse their relationship. I mean, seriously. This is a a non-issue.” (NITZ MIRALLES)