Inihayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang kanyang hakbangin na gawing “paperless” ang pagre-renew ng business permit ng mga negosyante sa lungsod ngayong 2016.

Ayon kay Olivarez hindi na kailangang punan o sulatan pa ng mga negosyante ang application form bilang inisyal na hakbang para maging paperless ang Parañaque.

Kinumpirma ng alkalde na “fully computerized” na ang permit renewal at ang mga impormasyong kailangang iproseso sa aplikasyon ay madali nang makukuha sa database ng Business Permits and Licensing Office (BPLO), na pinamumunuan ni Atty. Melanie Malaya.

Sa ilalim ng bagong scheme, ida-download lang ng BPLO assessors ang data mula sa database at ipakikita naman sa taxpayer, at kung walang pagbabago sa detalye ay agad maipo-proseso ang assessment nang walang antala kaya makatitipid sa oras at pagod ang mga nagbabayad ng buwis at ang pamahalaang lokal.

National

Abalos, kinumpirma intensyon ni Wesley Guo na sumuko

Nitong Disyembre 2015 ay aabot na sa 20,000 ang rehistradong business establishments sa buong Parañaque.

(Bella Gamotea)