GUMAWA na naman daw ng eskandalo kamakailan ang isang aktres na pinagdududahang gumagamit ng bawal na gamot. Kung anu-ano ang pinagsasabi niya sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Ayon sa mga taong nakarinig, tila wala sa sarili ang aktres.

“No’ng maaga-aga pa, okay naman, palabati at smile, pero nu’ng lumalim na ang gabi at panay ang punta niya sa ladies room, ‘tapos paglabas iba na ang kilos, parang high na high,” kuwento ng aming source.

Medyo nakainom daw noong una ang aktres at tolerable naman, kaya nagkasundo ang mga kasama na huwag na lang daw pansinin dahil kilalang mahilig itong mag-show-off.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bigla tuloy naming naalala ilang taon na ang nakararaan na ganito rin ang ginawa ng aktres na biglang nagsisigaw na ikinagulat ng mga taong sa paligid. Kaya inisip na lang na baka nga bumalik sa dating bisyo.

Bukod dito ay aburido raw ang aktres dahil hindi na siya napapahinga sa kakatrabaho. Kailangan kasi niyang kumayod dahil breadwinner siya ng pamilya at ganoon din sa karelasyon niya na walang permanenteng trabaho pero wala nang ginawa kundi gumimik nang gumimik at magbiyahe sa ibang bansa.

Da who ang actress? Kasalukuyan siyang under investigation. (Reggee Bonoan)