Kamatayan pala ang kapalit ng pagiging suwerte sa sugal ng isang tricycle driver matapos siyang pagbabarilin ng isang lalaking nakasuot ng bonnet, habang ang una ay naglalaro ng “cara y cruz” sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Danilo Palayon, 35, ng No. 2355 Mangga St., Barangay Camarin ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 9mm pistol sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report, bandang 1:20 ng madaling araw ay naglalaro ng cara y cruz ang biktima sa harap ng North Funeral Homes sa Zapote Road, Bgy. 178, Camarin, Caloocan City, kasama ang iba pang tambay.

Sunud-sunod ang naging panalo ni Palayon kaya tuloy lang ang buhos ng kanyang taya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Makalipas ang ilang oras, bigla umanong sumulpot ang suspek at walang salitang pinagbabaril si Palayon.

Nagkanya-kanya na sa pagtakbo ang mga kalaro ng biktima sa takot na sila naman ang pagbalingan, habang ang suspek ay naglakad lamang umano para tumakas. (Orly L. Barcala)