PAULEEN AT PIA copy

ANG cute ng Pia Wurtzbach dolls na nakita namin sa social media.

May apat na versions ang Pia Dolls, ‘yung isa ay noong manalo siyang Miss Philippines-Universe sa Bb. Pilipinas, ‘yung isa naman ay naka-blue gown siya at may suot na crown; ito ‘yung itinanghal siyang 2015 Miss Universe, at ang dalawa pang dolls na naka-gown din siya.

Una naming nakitaan si Korina Sanchez na may hawak ng isa sa apat na Pia Dolls, ‘yung naka-blue gown na si Pia at tinanghal ng Miss Universe.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Ayon kay Korina, hindi pa available sa market ang Pia Dolls, pero iniisip na raw ng gumagawa nito na maging available ito sa fans ni Miss Universe. May mga nagtatanong na nga kung saan makakabili ng Pia Dolls.

Samantala, nagkita na sina Pia at Pauleen Luna bago pa man ang kasal ng huli kay Vic Sotto sa January 30 na si Pia ang bridesmaid.

Nagkita ang mag-BFF kasama ang ilan pa nilang common friends at kita sa picture nina Pauleen at Pia ang closeness nila. Ang caption ni Pauleen sa kanyang post ay, “Visited the MOST BEAUTIFUL WOMAN IN THE WORLD, THE UNIVERSE RATHER. Welcome home, P!!!” (Nitz Miralles)