Angelica-Panganiban-John-Lloyd-Cruz copy

NAKA-PRIVATE ang Instagram (IG) account ni John Lloyd Cruz, hindi siya makulit ng kanyang followers at ma-bash ng fans nila ni Angelica Panganiban dahil sa nabalitang totohanan na ang kanilang breakup na nangyari noong January 16.

Sa IG account ni Angelica naglalabas ng saloobin, galit at tampo kay John Lloyd ang fans nila ng aktres.

Tanong ng isang fan kay John Lloyd: “Bakit ang hilig mong manakit? @iamangelicap loved u so much bakit ang sakit ng ganti mo? U are so unfair? Ginawa mo ke Shaina ngayon naman ke @iamangelicap!”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sabi naman ng isang follower ni Angelica: “Kung totoo man yan ok lang bakit? He’s not worth for Angelica’s love ano mag-aantay lang ng walang kasiguruhan?”

May humirit pa ng, “Sikat lang naman si JLC, beh, idol ko s’ya sa acting, si Popoy yan eh!! Pero in his interviews he is really not serious about you, pansin ko lang, you deserve someone better!!”

Heto pa ang isang post: “Nagsalita na daw si John Lloyd, sinabi n’ya s’ya ang nakipag-break, ano bang bago? Siya naman lagi ang nakikipag-break kapag may bago na. Mabuti na rin yan, nakawala ka na sa isang relasyon na ikaw lang ang nagmamahal. Suportado mo mga movies n’ya, todo promote ka kahit ginagawan ka pa ng intriga, deadma ka lang, nu’ng maaksidente s’ya, alam namin ikaw ‘yung tutok sa pag-aalaga. Um-attend ka pa ng premiere night at nagpa-block screening ka pa ng HTF kahit napapabalitang break na kayo. Wala sa ‘yo ang pagkululang, baka sobra pa nga. Ang lagi kong pini-pray ay makatagpo ka ng tapat at totoo, ‘yung mahal ka talaga.”

Nagpapatawa naman ang isang nag-post ng, “Kaya ipakita mo d’yan ke JLC na di s’ya kawalan, magpapayat ka, ibalik mo ung pagka-sexy mo.”  

Kung may maganda man sa paghihiwalay nina John Lloyd at Angelica, napagdesisyunan nilang maging magkaibigan pa rin.

Kaya sana nga, hindi sila matulad sa ibang couple na pagkatapos maghiwalay ay nagsisiraan sa print at sa national TV.

Dahil sa balitang break na nga sina John Lloyd at Angel, marami ang nagpu-push na maging for real naman ang relasyon nina John Lloyd at Bea Alonzo at may mga tsika na ngang kaya nag-break sina John Lloyd at Angelica dahil kay Bea.

Pero sabay nang ibinalita ni Ogie Diaz sa DZMM ang breakup nina John Lloyd at Angelica at ang paglilinaw ng isang taong close sa aktor na hindi niligawan ni John Lloyd si Bea, at friends lang talaga ang dalawa. (NITZ MIRALLES)