OTWOL_Nadine at James copy

PATULOY ang iringan at pasiklaban nina Clark (James Reid) at Simon (Paulo Avelino) upang makuha ang atensiyon ni Leah (Nadine Lustre) sa On the Wings of Love.

Lalo pang tumitindi ang kumpetisyon nina Clark at Simon nang mag-showdown ang dalawa sa agaw-pansing karaoke session sa surprise birthday party para kay Leah.

Lalong uminit ang iringan ng magkaribal nang makita ni Clark na hinalikan ni Simon sa pisngi si Leah. Dahil dito, nag-alboroto si Clark at inilabas ang kanyang sama ng loob sa fiancee. Sinabi rin ni Clark ang kutob niya na may pagtingin na si Simon kay Leah.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Mauwi kaya ang isyung ito sa malaking away ng engaged couple? Ito na kaya ang simula ng gusot sa pag-iibigang Clark at Leah na ipinasilip sa bagong trailer ng On the Wings of Love?

Handog ng trailer ang konting pasilip sa pagmamahalang Clark at Leah na nagbalik sa San Francisco at mukhang magkaibang landas na ang tinatahak. Ipinakita rin sa trailer ang muling pagkikita nina Clark at Leah sa lugar na una silang nagtagpo pati na ang kanilang magkahiwalay na pagbisita sa mga lugar sa San Francisco na malapit sa kanilang puso. 

Saan nga ba mapupunta ang pag-iibigang Clark at Leah? Abangan ang kasagutan sa mas gumagandang mga tagpo sa On the Wings of Love, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Pangako Sa ’Yo sa ABS-CBN Primetime Bida.