FIVE years na rin simula nang tanghaling first male runner-up si Enzo Pineda sa Starstruck 5. Wala na sa GMA Network ang dalawang winners ng reality artista search, sina Sarah Labhati at Steven Silva, pero nananatiling loyal sa network si Enzo,

Siya ba, hindi nakaisip umalis na rin sa GMA?

“Hindi po, kasi hindi naman nila ako pinababayaan, every now and then may work silang ibinibigay sa akin,” sagot ni Enzo. “Saka hindi naman ako nagrereklamo, everytime na may workshop sila, lagi akong uma-attend kasi para rin naman iyon sa akin. Kaya naman wala akong pinipiling role kahit anong ibigay nila sa akin, tinatanggap ko, at nagagamit ko ang natututunan ko sa workshop.

“Like po ngayon, dream come true sa akin na ipinasok nila ako sa pinag-uusapang romantic-comedy series na Because of You na ‘dinidirek ni Mark Reyes.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Napapanood ko ang serye at tawang-tawa ako sa characters na ginagampanan nina Sir Gabby (Concepcion), Carla (Abellana) at Rafael (Rosell). Hindi ko po in-expect ito kaya tuwang-tuwa ako nang magsimula akong mag-taping kasama nila at maka-bonding sila sa set. Marami akong natututunan sa kanila, lalo po si Sir Gabby na masayahin at may pagkakomedyante pala. Kaya lagi kaming masaya sa set.”

Hindi nga lamang masaya si Enzo na may work siya sa GMA-7, may dalawa rin siyang indie films na ginagawa ngayon, ang Hermano Pule kasama si Aljur Abrenica at Bar Boys.

Ang Because of You ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng That’s My Amboy. (Nora Calderon)