Dapat maglatag ang Social Security System (SSS) ng isang alternatibo kung naniniwala itong hindi maaaring ipatupad ang panukalang P2,000 pension hike.

Sinabi ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, na dapat magbalangkas ng counter proposal ang SSS upang mapakalma ang mga miyembro ng pension agency na matagal nang inaantabayanan na maaprubahan ang P2,000 pension hike bill.

Malabo na rin aniyang bumalangkas ng bagong panukala dahil ilang araw na lang ang natitira sa sesyon ng Kongreso upang talakayin at ipasa ang isang pension hike bill.

“The best move would really be a counter proposal that they have studied, and on the one hand, their future financial liability won’t be affected,” pahayag ni Angara sa radyo DzBB.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Una nang dinepensahan ng SSS ang hakbang ni Pangulong Aquino na i-veto ang P2,000 pension hike bill upang maisalba ang pension agency sa pagkabangkarote bunsod ng kakulangan sa pondo.

Nagbabala si SSS President at CEO Emilio S. de Quiros Jr. na ang pag-apruba sa P2,000 pension hike ay posibleng matuloy sa pagkalugi ng ahensiya ng halos P26 bilyon sa 2016, sa halip na kumita ito ng P41 bilyon.

Sa pagsapit ng 2027, posible aniyang umabot sa P130 bilyon ang ikalugi ng SSS kung inaprubahan ni Aquino ang panukala.

“I hope they can provide the benefits to pensioners because we all know it’s difficult to live for P1,200 per month only which is the monthly pension after 10 years. It’s likewise, difficult to live for P2,400 after 10 years. That’s not enough to pay for rent, electricity bills,” aniya. (Hannah L. Torregoza)