SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Nasawi sa pagkalunod ang nangunguna sa drug watch list ng pulisya makaraang lumubog ang sinasakyan niyang bangka, kasama ang kanyang kapatid at mga tauhan ng San Antonio Police na umaresto sa kanya sa Barangay Papaya sa bayang ito.

Sa ulat na ipinarating ni Chief Insp. Manuel Catacutan, hepe ng San Antonio Police sa Nueva Ecija Police Provincial Office, nakilala ang biktimang si Epsilon Espiritu y Garcia, 36, ng Purok 3, Bgy. Papaya, na ikaanim din sa most wanted sa San Antonio.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Jayson Garcia, nagkaroon ng engkuwentro at nabaril si Espiritu, nadulas sa pampang ngunit nailigtas at isinakay sa bangka, ngunit sa kalagitnaan ng paglalayag ay lumubog ito. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae